Submit Your Blind Item

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!

Thursday, February 19, 2009

Blind Item Number 50: Sikat Si Friend

Kontribusyon!

Once upon a time in a high-rise in Makati, isang grupo ng mga bloggers and gumorabelles and may-I-enter your building. SOP (Standard Operating Procedure at hindi sex over the phone - gosh that's so 90s!) sa mga gusaling ito na parang constru area lang: No ID, No Entry. So if you have a hard hat pero wiz ka naman ID, denied ang entrance mo dear. So that will leave you with just two options:
  1. Go Go Go, Leave your ID and get a Visitor's Pass
  2. Go Home
Ang grupo ng mga blogger na ito ay wiz na feel sa mga eksenang may-leave-my-ID. So off they went and made karipas to the elevators. Nang biglang may I eksena ang Jaguar Civil aka Guardo Versowzah (security guard) and shouting galore sa mga bloggers ng: "Darna!" Charot lang. Sigaw ng bayan ni manong Gardo: Hoy, be right back kau hir. W8 me 4 u. Nid me kse ID u.

Keribelles naman lang sa ibang bloggers since na-Julie Yap Daza na rin naman sila. But wait, ang isang blogger (itago natin sa pangalang "Friend of Speaker" or FOS) ay may eksena dahil wiz niya feel mag-leave ng ID (baka gawa sa ginto!). Chika ni FOS ay why do birds suddenly appear pa sa pag-iwan ng ID eh mega-speaker naman si Friend niya? For that, FOS made taray all over the place and kinawawa si manong Jaguar Civil.


Clue:
Lalaki silang lahat sa grupo (lalaki nga bang tunay?)
Si FOS ay hindi naman ganun ka-kilala pero matagal na itong nagba-blog
Dito kumakain ang masarap kumain!


Yun lang, Babu na ang DaWho. Ang tamaan, guilty. Ang hindi tamaan, manhid! Charot!

Monday, February 9, 2009

Blind Item 49: Negosyete!

Kontribusyon.


Kung ikaw ay blogger, normal lamang na maimbitahan ka sa mga kung anu-anong event.  At normal rin ang mga freebies at kung anik-anik pa na gimik ng mga kumpanya at mga PR.  Marami-rami na ring napuntahang events itong aming bubuwit at malamang sa malamang ay gabundok na rin ang kanyang naiuwing mga payola in kind.

Alam naman nating lahat na unethical ang pagbubukas ng mga freebies na ito sa blog event mismo.  Eh sa traditional media nga, unethical ang pagtanggap mismo ng freebie, yung buksan pa kaya sa event mismo.  Eh ano ang mas unethical pa sa mga yon?  Basahin at mahindik at magila-gilalas:


May isang araw sa isang malayong kabundukan ng isang sulok ng bayan (sa totoo lang, ayaw sabihin ng aming bubuwit ang tunay na address or ang lugar na pinangyarihan ng kaganapang ito) na nagkaroon ng pamimigay, este, pagbebenta ng mga kagamaitang luma, bago, o di-mawari, sa kung saan normally pina-park ang sasakyan.  Oo, bentahang garahe ang aming tinutukoy.  Itong isang blogger kase na ito ay marami-rami na ring nakolektang mga libreng chenes at chenesitas dito at doon.  Bigay naman at libre and since hindi naman daw niya nagamit, bakit di na lang... totohanin ang lahat.... este, bakit hindi na lang isama sa mga garage sale items diba?

So yun nga, binenta nga ang mga freebies sa isang garage sale nitong blogger na itatago na lang natin sa pangalang... Ay hinde, hindi na daw pala kelangang itago sa kung anumang pangalan dahil kahit may araw eh tila nakatago siya sa dilim.

Clue:

No clue!


Yun lang, babu na ang DaWho!

Saturday, February 7, 2009

Blind Item 48: Dahil Diyan, Close na Tayo!

Kontribusyon (verbatim)


Baguhan lang blogger na ito sa mga blog event, pero matagal na siyang nagbblog, kung matagal ka ng pumupunta sa mga blog event at ngayon ay minsan na lang, maaaring hindi mo siya kilala. Aakalain mong normal ang blogger na ito, ngunit kapag nagsalita na ay hindi mu alam kung anu ang pinagsasabi. Madaldal ang blogger na ito at mahilig magkwento ng nonsense. Habang kausap mo siya, malamang ay "oo" ka na lang ng "oo" kahit hindi mo maintindihan ang pinagsasabi niya.

Marahil sa iba normal ang blogger na ito, pero ang taong ito ay weirdo at makapal ang mukha. Halos lahat ng blog event ay pinupuntahan kahit siya ay hindi invited, 100% itetext o eemail niya ang blog event organizer at magpapaRSVP. Minsan pa'y sa isang event ay talagang limited blogger lang ang invited at pinilit na ipagsiksikan ang sarili at nagmakaawa na sumama sa event na iyon.
Samaktwid, makapal talaga ang mukha. Kayo na magsabi kung gaano kakapal. Ang blogger na ito ay hindi kasama sa isang PR company, ngunit isang araw na lang ay gate crash ito at ngayon, pinagyayabang na siya kasama na sa list ng PR company na ito. Hindi lang pala baduy, mahangin din pala.

May mga nagsasabi rin na ang taong ito ay baduy, chika na lang kung paano naging baduy ang taong ito, jologs. Mamataan mo na lang blogger na ito kung umasta ay tila elite, feeling close sa lahat at pilit na ipagduduldulan sa ang sarili sa usapan ng may usapan kahit hindi siya nakakarelate sa mga blogger na naguusap, know-it-all!

Mag-ingat sa blogger na ito. Tandaan, aakalain mong normal, pero weirdo at makapal.

Clue:
1. Lalaki.
2. Jologs, pero feeling elite.
3.
Hindi pa rin matukoy kung lalaki nga talaga.
4. :)



Yun lang, babu na ang DaWho!

Thursday, February 5, 2009

Blind Item Number 47: May Asim Ka?

DaWho itong blogger na nagpababa ng kilay ng ating mga bubuwit from the 37th floor of the Petronas towers down to the basement and back up again.  Ang nakakalokang chika ng blogger na ito ay may I asim to you ang drama dahil sa isang blogpost lang!

Itong blogger na ito ay parang wind beneath my wings lang na biglaang sumulpot na parang kabute sa forest.  Naglalaro pa ata ito ng sawsaw-suka asim ang mukha hanggang ngayon dahil sa sobrang asim ay daig pa ang lasa ng isang buong truck ng Datu Puti vinegar.  Okay, sige, gawin nating sosyal ng konte: Balsamic Vinegar o kaya naman ay vinaigrette. Sosyal diba?

Si blogger kase ay may sariling mga bubuwit at ichinuchoo sa kaniya na na drop daw ang namesung niya sa isang blog entry at natakot na mapagkamalan itong Bebe Gandanghari!  Yes my dearies, nalorka siya kaya nalorka rin ang aming mga bubuwit.  In other words, Federico Garcia Lorca ang dramathon sa hapon ng lahat sa amin! para tuloy kaming nag-flashback to the late 90s to Atty. Jose Sison's Kapag May Katwiran, Ipaglaban mo dahil sa mega-email ng mhinkie dun sa nagsulat at may I-defend myself ang lolo niyo. May jowa daw and ever ever china ortalezza sa ibayong dagat. Chenes chenes chenes hanggang sa umabot sa chenelyn forte!

Dawho si Ginoong Balsamic Vinegar?
  1. May asim pa naman siya.
  2. Kahit may asim, mabango pa rin.
  3. Think kabute.
  4. Matatagpuan sa PAlinkE.

yun lang, babu na ang DaWho!

Tuesday, February 3, 2009

Blind Item Number 46: Buy Us, Take Me!

Kontribusyon

DaWho itong hindi gaanong sikat (eh bakit pa na-dawho no, di naman pala sikat!) na promotor ng mga bagay-bagay sa mundo ang nagmamaganda sa lahat ng sambayanang blogger ang maysa wala naman pala gaanong karapatang magmalaki (aside from nakapanlalaking-matang kinabukasan)?

Kakaunti lamang ang nakakakilala sa kanyang pangalan at kakaunti rin lang ang nakakakila sa kanyang katauhan dahil umuusbong pa lamang ang kaniyang napiling pagkakitaan.  Namataan ng aming mga bubuwit sa isang blog entry na may-I-mention sa pangalan ng babaitang ito. At guess what ang natagpuan sa mga comment rss feed?  Eto:

one in a million fans kita!  sensya wensha spa lang, pero knowsingbelles ketch kase ang D'Original R.Lapid's chicharon Jusawis ng sugar dady ng mujer na iyan.  Purita kalaw ever ang buena familia ni Sugar Daddy.  Mas makapal pa sa 10 layers ng Mac foundation ang mukha ng girlet-kabet na yan! Pero even so, fans pa rin kita kahit na nakadaupang palad mo ang malanding pakanto... na iyan!
Nang chineck ng aming mga bubuwit ang blog, wala ang comment dun.  Pero nasa rss feeds!  Kudos naman kay blogger at hindi naipublish (or nabura eventually) ang komentong ito.

DaWho ang mujer?  Konti lang clues:
  1. babae siya
  2. promotor ng kung anu-ano
  3. hindi (ata) siya blogger
  4. umuusbong pa lamang ang kanyang kinauusbungan
  5. hindi mo siya kilala (malamang sa malamang)
DaWho ang blogger?
  1. Secret!

Yun lang, babu na ang DaWho.
Contributions will remain anonymous. You don't even have to reveal to us who they are! Please make sure that your blind items are the truth and nothing but the whole truth so help you 'day. Katuwaan lang po. Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Bato Bato sa langit, ang tamaan guilty.