Kontribusyon.
Kung ikaw ay blogger, normal lamang na maimbitahan ka sa mga kung anu-anong event. At normal rin ang mga freebies at kung anik-anik pa na gimik ng mga kumpanya at mga PR. Marami-rami na ring napuntahang events itong aming bubuwit at malamang sa malamang ay gabundok na rin ang kanyang naiuwing mga payola in kind.
Alam naman nating lahat na unethical ang pagbubukas ng mga freebies na ito sa blog event mismo. Eh sa traditional media nga, unethical ang pagtanggap mismo ng freebie, yung buksan pa kaya sa event mismo. Eh ano ang mas unethical pa sa mga yon? Basahin at mahindik at magila-gilalas:
May isang araw sa isang malayong kabundukan ng isang sulok ng bayan (sa totoo lang, ayaw sabihin ng aming bubuwit ang tunay na address or ang lugar na pinangyarihan ng kaganapang ito) na nagkaroon ng pamimigay, este, pagbebenta ng mga kagamaitang luma, bago, o di-mawari, sa kung saan normally pina-park ang sasakyan. Oo, bentahang garahe ang aming tinutukoy. Itong isang blogger kase na ito ay marami-rami na ring nakolektang mga libreng chenes at chenesitas dito at doon. Bigay naman at libre and since hindi naman daw niya nagamit, bakit di na lang... totohanin ang lahat.... este, bakit hindi na lang isama sa mga garage sale items diba?
So yun nga, binenta nga ang mga freebies sa isang garage sale nitong blogger na itatago na lang natin sa pangalang... Ay hinde, hindi na daw pala kelangang itago sa kung anumang pangalan dahil kahit may araw eh tila nakatago siya sa dilim.
Clue:
No clue!
Yun lang, babu na ang DaWho!
