Submit Your Blind Item

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!

Saturday, February 7, 2009

Blind Item 48: Dahil Diyan, Close na Tayo!

Kontribusyon (verbatim)


Baguhan lang blogger na ito sa mga blog event, pero matagal na siyang nagbblog, kung matagal ka ng pumupunta sa mga blog event at ngayon ay minsan na lang, maaaring hindi mo siya kilala. Aakalain mong normal ang blogger na ito, ngunit kapag nagsalita na ay hindi mu alam kung anu ang pinagsasabi. Madaldal ang blogger na ito at mahilig magkwento ng nonsense. Habang kausap mo siya, malamang ay "oo" ka na lang ng "oo" kahit hindi mo maintindihan ang pinagsasabi niya.

Marahil sa iba normal ang blogger na ito, pero ang taong ito ay weirdo at makapal ang mukha. Halos lahat ng blog event ay pinupuntahan kahit siya ay hindi invited, 100% itetext o eemail niya ang blog event organizer at magpapaRSVP. Minsan pa'y sa isang event ay talagang limited blogger lang ang invited at pinilit na ipagsiksikan ang sarili at nagmakaawa na sumama sa event na iyon.
Samaktwid, makapal talaga ang mukha. Kayo na magsabi kung gaano kakapal. Ang blogger na ito ay hindi kasama sa isang PR company, ngunit isang araw na lang ay gate crash ito at ngayon, pinagyayabang na siya kasama na sa list ng PR company na ito. Hindi lang pala baduy, mahangin din pala.

May mga nagsasabi rin na ang taong ito ay baduy, chika na lang kung paano naging baduy ang taong ito, jologs. Mamataan mo na lang blogger na ito kung umasta ay tila elite, feeling close sa lahat at pilit na ipagduduldulan sa ang sarili sa usapan ng may usapan kahit hindi siya nakakarelate sa mga blogger na naguusap, know-it-all!

Mag-ingat sa blogger na ito. Tandaan, aakalain mong normal, pero weirdo at makapal.

Clue:
1. Lalaki.
2. Jologs, pero feeling elite.
3.
Hindi pa rin matukoy kung lalaki nga talaga.
4. :)



Yun lang, babu na ang DaWho!
Contributions will remain anonymous. You don't even have to reveal to us who they are! Please make sure that your blind items are the truth and nothing but the whole truth so help you 'day. Katuwaan lang po. Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Bato Bato sa langit, ang tamaan guilty.