Submit Your Blind Item

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!

Tuesday, May 20, 2008

Blind Item 32: iBlog, iLove Along Da Riles

Contribution


Sino itong dalawang bloggers na nagkita at nagsama sa iBlog and thereafter?

Hindi raw alam ng aming mga bubuwit kung dati na silang magkakilala at kung may namumuo na bang kung anuman sa kanila, ngunit namataan silang magkasama sa isang salo-salo matapos ang iBlog.

Wala namang masama dun.

Hindi masama ang pag-Ibig! May ganong chika diba?

Isang araw (o kinaumagahan? o ilang araw pa ang nakalipas?) ay namataan ang dalawa na naka-Yeng-Constantino effect sa pag hawak-kamay sa ilalim ng riles! Ang sweet diba?

Sino sila?

Clues:
  1. Yung isa babae
  2. Yung isa lalake
  3. Pareho silang blogger!

Yun lang, Babu na ang DaWho!

Monday, May 19, 2008

Blind Item Number 31: Bra Mo, Panty Ko!

Sino itong blogger na pumunta sa isang blog event kahit hindi niya naman linya o niche and patungkol dito?

Itong blogger na ito ay lalake at straight siya. May girlfriend din itong blogger na ito. Ang siste eh pumunta itong blogger na ito sa isang event para sa mga kababaihan lamang. Hindi siya masaydong nahiya kahit na ang event ay about BRA at PANTY!

Mas nakakalokang chika ay ang press kit, dahil kasama sa loob ng press kit ay...

BRA at PANTY!

Sino siya?

Clues:
  1. lalake siya
  2. blogger siya
  3. may girlfriend siya


Yun lang, Babu na ang DaWho!

Blind Item Number 30: Ipilit Mo!

Contribution


Sino itong blogger na hume-hell and high water sa pagpupumilit sa ibang tao na bigyan ang kanyang blog ng natatanging parangal sa pamamagitan ng pag-mungkahi na ito'y isama sa isang listahan ng mga natatangi?

Wala namang masama sa paghihikayat sa ibang mga blogger na gawin ito ngunit hindi ba nawawalan ng ellamae-saysay ang mga patimpalak (lalo na yung gusto nitong blogger na ito) na ganito kung napilitan lang ang mga tao? Ang pagpupumilit nitong taong ito ay sa email, sa mybloglog, sa ym, sa twitter, sa comments sa ibang blog, at kung saan pa.

Hindi tama ang pilitin ang ibang tao na magustuhan ang iyong blog. At lalong hindi tama ang pilitin silang isali ka sa listahan ng mga magagaling na blog.


Clues:
  1. May blog siya
  2. Yung blog na pinipilit niya ay iisa lamang ang may-akda at may-ari
  3. hindi naman siya kasikatan
  4. nakakainis na at nakaka-irita na yung pagpo-promote niya



Yun lang, Babu na ang DaWho!

Follow us on twitter: http://twitter.com/dawho

or send your contributions to silasino@aol.com

Friday, May 16, 2008

Blind Item Number 29: Enterprising Blogger

Contribution

Sino itong blogger na very enterprising na nagbebenta ng Wordpress themes sa iba pang bloggers? Okay naman yun, ginagamit ang talent. Pero tama ba namang magbenta ng theme na dinownload lang online tapos inedit ng konte, tapos kinlaim na na kaniya?

Mali ata yun.

Meron na siyang mga naging biktima.

Clues:
  1. Blogger siya
  2. Syempre Wordpress platform ang blog
  3. Ang isang "dinesign" niya na theme ay mahahalata mong siya ang may gawa
  4. Enterprising siya


Yun lang, Babu na ang DaWho!

Follow us on twitter: http://twitter.com/dawho

or send your contributions to silasino@aol.com

Thursday, May 15, 2008

Blind Item Number 28: Hayok sa Freebies!

Sino itong blogger na hayok na hayok sa freebies na walang ibang bukambibig kundi freebie, freebie, freebie. Ang unang tinatanong kung may event eh: "May freebie ba?" o di kaya ay, "May free food ba?" Akala ba namin ay may kinikita kayo sa pagba-blog, eh bakit parang kung maka-asta tayo eh patay-gutom? Huwag naman sana nating sirain ang reputasyon na mga blogger.

Kung gusto mo maging USER at USER-FRIENDLY eh di go lang. Huwag mo lang idadamay yung iba.


Hindi maikakaila na sa tuwing naiinvite ang mga bloggers (pati na rin ang traditional media, in case you didn't know, ang tradisyon ng pamimigay ng freebies ay unang naganap sa traditional media) sa mga media events, press cons and press launches, ay nakakatanggap tayo ng mga kung anik-anek at anetch-anetch pa mula sa mga kumpanyang nagpapa-PR.

Kung sa showbiz press ay tinatawag itong payola khomeini, or sa mga more serious press na envelopmental journalism, sa bloggers ang tawag dito ay freebies, schwag bags and loot bags. Hindi mo man kailangan magsulat ng positibo tungkol sa produkto o serbisyong binibenta ng kumpanya, mas maigi na rin yung magpakita tayo ng konting delicadeza no?

Payong kaibigan lang po, huwag naman sana natin ipagkalandakan sa buong mundo na nakakuha tayo ng isang baldeng Surf powder o di kaya ay isang bandehadong bigas mula sa nagsponsor ng event. Hindi ethics ang tawag dun, etiquette. Kung nais pa nating maimbitahan sa mga ganitong events ay huwag naman sana nating gawing negosyo ang pag-kolekta ng mga GC at freebies. Medyo nakakahiya lang.

At isa pang payo, kung kayo ay binigyan ng mga schwags o loot bags, huwag itong bubuksan sa event mismo (unless ininstruct kayo na buksan). At isa pa, kung pinadalhan ka ng invite na para sa'yo lang at hindi sinabing i-post mo ang event na ito at ipagkalandakan sa buong blogosphere, eh huwag mong ipo-post.

Etiquette lang sana.


Sino itong blogger na ito?

Clue:
1. Isa lang, blogger siya.




Yun lang, Babu na ang DaWho!

Thursday, May 8, 2008

Blind Item Number 27: The Blogger Frenemies

Da Who itong dalawang bloggers na minsang nag-away dahil sa isang blog entry. Sagutan galore to the max and the nth level ang dalawa na kinaloka ng mga nakabasa ng blog na yaon.

In fairmart cubao naman to the two, nagkabati rin sila.

Okay na sana ang chika ngunit nung magkita sila sa isang blog event ay kaboom, nagdedmahan to the max ang dalawang lola niyo! Parang hindi sila magkakilala at parang ni minsan ay hindi sila nagkakitaan ng mga mukha nila sa twitter or sa mybloglog! Dedma galore!

So friends? Enemies? Frenemies ang dalawa!








Clues:
  1. Bloggers sila
  2. Ang isa ay lalake
  3. Yung isa babae
  4. May Twitter accounts sila
  5. May Mybloglog accounts din sila
  6. Majuh yung blog event!



Yun lang, Babu na ang DaWho!


We'd like to thank our sponsor, StarTalk for the wonderful DaWho Idea! Huwag niyo po sana kaming singilin sa pag gaya sa inyo. Kaya we will plug your show: Startalk airs every Saturday afternoon (after Eat Bulaga! - libreng plugging din sa kanila) on GMA 7.


Follow us on twitter: http://twitter.com/dawho

or send your contributions to silasino@aol.com

Wednesday, May 7, 2008

Blind Item Number 26: From Chika to Hi-Hello

Contribution!


Dalawang kilalang bloggers na sobrang close noo at madalas nakikitang may pictures sa mga blog events, nagkaroon ba ng falling out?

Kung dati rati ay mega chika at uber chenes ang dalawa sa twuing may blog events, ngayon ay hanggang hi and hello na lang ang dalawa!





Clues:

  1. may sinimulan silang makabuluhan
  2. bloggers sila
  3. ang isa ay hindi na gaanong nakikita sa offline world
  4. yung isa ay very visible sa offline and online worlds
  5. ang isa ay kinagigiliwan ng marami
  6. ang isa ay uhm, eh...

Yun lang, Babu na ang Da Who!

Monday, May 5, 2008

Blind Item Number 25: Twitter Spammer?

Contribution!



Sino itong blogger na kung makapag-post ng mga updates sa Twitter ay akala mo wala nang bukas. I'm sure marami sa mga may Twitter accounts ang ginagawa ito pero wala nang hihigit pa sa blogger na ito. Marami ang nainis kaya in-unfollow siya, secretly and blatantly. Yung iba, in-off lang ang notifications from this blogger (para naman hindi niya mahalata na deadmalaysiapakistan na pala ang mga utashment sa kanyang mga updates). Pano ba naman eh kulang na lang eh pati pag-utot niya ay i-post ang update!





Clues:
  1. blogger siya
  2. may Twitter account siya (malamang!)
  3. Pina-follow niya ay mahigit 400
  4. Mahilig tumalak

Yun lang, babu na ang DaWho at uutot pa kame!

Follow us on twitter: http://twitter.com/dawho

or send your contributions to silasino@aol.com



Saturday, May 3, 2008

Blind Item Number 24: Blackmail Kita, Pre!

Contribution from email ulit!



Dalawang blogger, dati raw nagtulungan upang i-blackmail ang isang blogger (na ngayon ay hindi na nagba-blog - dahil busy o natraumatize sa ginawa nung dalawa).

Nagsearch sa isang gay dating website ang dalawa at natagpuan nila ang larawan ng blogger na ito, na itatago natin sa pangalang BV - Blackmail Victim. Hindi na namin inalam kung ano ang kapalit ng pananahimik ng dalawang blackmailers versus their pag-aannounce sa buong mundo sa impormasyong nakuha nila about BV.

Syempre naloka itong si BV. Kung totoo man o hindi na siya yung nasa larawan sa profile sa isang gay dating site ay hindi na natin i-co-confirm. Maaring totoo, o maaaring ginamit lang ng ibang tao ang kanyang larawan. Pero wala namang masama sa pagiging bakla. Baka closeta lang talaga ito at hindi pa komportable na ipaalam sa mundo, maging sa kanyang sarili ang kanyang tunay sa sekswalidad.

At kung bakit may accounts sa gay dating website yung dalawang blackmailers eh hindi na namin alam. Mahirap magsearch ng profiles sa isang dating site kung wala kang account dito. So kelangan mag sign up.






Clues:
  1. Si BV ay hindi na nagbablog.
  2. Yung blackmailers ay bihira na raw umattend ng events.
  3. Isa sa mga blackmailers ay nagswitch from own domain to free hosting.
  4. Yung isa ay nag switch from free-hosting to own domain.
  5. Recluse si BV.

Yun lang, babu na ang DaWho!

Follow us on twitter: http://twitter.com/dawho

or send your contributions to silasino@aol.com

Blind Item Number 23: Mr. Gwapo

Contribution!


This was sent to us through an anonymous email:











Isang lalaking blogger na feeling gwapo ang ipinagkakalat sa kanyang mga friends na may gusto sa kanya ang isa pang blogger na babae kahit hindi naman niya alam kung totoo or hindi. At may emphasis sa HINDI NAMAN NIYA GUSTO DIN yung babae.






Clues:
  1. lalaki siya
  2. blogger siya
  3. may friends siya


Yun lang, babu na ang DaWHO!

Friday, May 2, 2008

Blind Item Number 22: Blogger at ang kanyang PRs

Itong isang blogger na ito ay okay sa PR.

Hindi yung PR na Google Page Rank. Ito yung Press Release. Kamakailan lang ay nag press release itong blogger na ito tungkol sa kanyang pribadong buhay. May mga naniwala at meron ding hindi.

Subalit sa buong katotohanan lang, hindi naman talaga totoo ang kanyang pinagsasabi. Pinakalat niya na viral-viralan. Nung komprontahin siya ng ibang blogger kung totoo nga ang kanilang nabalitaan, hindi niya inamin at hindi niya rin dineny. Parang artista lang no?

Balita lang namin ay parang mabubusog itong blogger na ito sapagkat malapit nang magkatotoo ang kanyang pinagsabi ilang linggo na ang nakakaraan at kakainin na niya ang kanyang mga words.




Clues:
  1. Bloggers siya (kase marami siyang blog kaya plural)
  2. Pumupunta sa mga events - yung invited lang siya, di tulad ng ibang gatecrashers
  3. Alam ng karamihan na may gusto siya dati sa isa pang blogger
  4. Sinusundan siya ng mahigit sa 200 na tao.


Yun lang, babu na ang DaWho!

Blind Item Number 21: May Tinatago si BroBlogger

Contribution!


Isang hindi gaanong kilala pero medyo kilalang blogger ang namataan ng iilang tao na lumilipat sa kabilang court. Hindi siya si Blind Item Number 4, pero parang ganon na rin ang kanyang lihim.

Ayon sa ating mga bubuwit, itong blogger na ito ay pinipilit ang isa pang blogger na nasa ibayong dagat na magpakita sa webcam! Wala namang masama dun bro di ba?

Ang interesante lamang dito ay itong pinipilit na magpakita sa webcam ay lalaki rin!



Clues:
  1. Lalake si broBlogger
  2. Lalake si WebcamBlogger
  3. Nasa ibayong dagat (hindi sa Pinas) itong isa





Yun lang bro, babu na ang Da Who!

Blind Item Number 20: iTweet, iBlog, iLove?

Contribution!





Nagkakilala sa Twitter.

Nagkita sa iBlog.

Bagong Loveteam?





Bago to! Finding love through iBlog! Winnur!





Clues:


  1. Boy and Girl

  2. Medyo kilala sila pareho

  3. Parehong may Twitter accounts

  4. Parehong bloggers



Yun lang, babu na ang Da Who!

Real-life DaWho: A Contest!

Been itching to mention the name of a subject in Da Who but don't want toget sued for libel?  Well, here's another way for you to release that inner chikadora in you!
 
Gibbs Cadiz is currently running a contest on his blog, with prizes to boot!
 
 
Three Angelic Voices:  Guess Who They Are and Win a Prize!
 
The set-up: Three young Filipina singers with strikingly pristine voices sing a medley of timeless OPM hits--an exquisite highlight of a musical special broadcast on TV a few years back. An audio clip of their live performance is posted below.

The challenge: Guess who these three angelic voices are. All of them are (or were) well-known, especially in the fields of music and theater. Keen observers of the local music scene should find it easy to identify them based on the quality of their voices. First one who gets all three names right (in no particular order) wins.

The prize: P2,000 worth of gift checks--P1,000 each from Levi's and Max's Restaurant.

 
So check out the clues over at GibbsCadiz.com and win those prizes!
 
 
 
 
 
 
 

Blind Item Number 19: Spammish Blog

Contribution!



Isang blogger na update ng update ng blog. Halos sampung updates (minsan dalawampu) sa iisang blog pero naka-aggregate din ito sa iba pa niyang blog. Ang siste lang eh marami-rami na rin ang naiinis sa kanya dahil puro naman hindi ganoon ka interesante ang pinagsusulat tapos promote pa ng promote sa kung saan saan. Hindi naman siya ganun ka importante at kilala, feeling niya ang galing niya.





Clues:

  1. antisocial
  2. mabaho
  3. hindi gaanong umaattend ng events
  4. arogante
  5. mukha siyang lata ng Spam

Yun lang, babu na ang Da Who!

Thursday, May 1, 2008

Blind Item Number 18: King of the Jologs

Isang blogger, ayaw aminin, pero jologs. Wala namang masama sa pagiging jologs. Alam halos lahat ng ka-jologan. Kung si Tulfo ay may Isumbong mo kay Tulfo, at si Bro. Eli ay may "Itanong Mo kay Soriano," Siya naman ay may Itanong mo Kay Jologs!"




Clues:

  1. Hindi siya mukhang jologs
  2. Diyos ko. Ay, bawal.
  3. Hindi siyayung may-ari ng blog na may jologs sa title na sumikat noon.
  4. Mayaman ang pamilya niya.
  5. Maraming (ata) galit sa kanya.

Yun lang, babu na ang Da Who!

In Response to Andrew's Blind ITEM

The answer to Andrew's Da Who: yahoo's Online Community Manager for the Philippines

But for now, he/she will be based in Singapore (major clue there already).
She/he experienced a life-altering event last month (another major clue).
His/her job starts on May 1st, which is today!


This blogger organizes events more than he/she attends them. He/she doesn’t blog very often. Her/his blog is hosted on Blogger. I met her/him once in Davao City and once here in Manila during a certain food tour. On both occassions, he/she was
wearing black (lol). He/she is the “quiet” type of person, although her/his
former job entailed a lot of talking in front of many people.



Is it Jonas R. Delos Reyes?
  1. Life Altering event last month:
    Jonas sent an email to his contacts that he was leaving Yehey and that he's
    entering a new chapter in his career.
  2. This blogger organizes events more than attends them: Jonas was Ecommerce Manager for Yehey: ...
    It has been such an honor to represent Yehey! for the past 2 years as its
    Ecommerce Manager... it is indeed sweet sorrow to leave the company after
    becoming part of the team that was instrumental in launching ...
    a lot of
    stuff
  3. Blog hosted on Blogger: Techievangelism
  4. Jonas went to Davao and met Andrew and the usual suspects (but he was wearing brown) for the Google Davao Roadshow.
  5. Andrew was in Manila during the Yehey's Trinoma Food Tour, which was also organized by Jonas and the Yehey team!
Is it Jonas R. Delos Reyes?

Yun lang, babu na ang Da Who
Contributions will remain anonymous. You don't even have to reveal to us who they are! Please make sure that your blind items are the truth and nothing but the whole truth so help you 'day. Katuwaan lang po. Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Bato Bato sa langit, ang tamaan guilty.