Sa isang event kamakailan lang ay nagpunta ang mga bloggers at ang madlang people sa isang mataas na kalye para maglaro at maging bantay bata 163 muli sa kanilang buhay.
Si blogger na normally ay mabait pero normally mataray din ay busy sa pagkukuha ng litrato ng kung anek anek sa universe. Noong napagod na siya ay nag-decide siya to be a prıncess and may I sit down while taking photos ang drama. Tama nga naman, kung pagod ka at may upuan, umupo.
Okay sana ang lahat ng biglang may-I singit in front of Princess Blogger ang isang cameraman para sa isang TV Network. Na-Block and white ang paninging ni Princess Blogger dahil ang kanyang kinukuhanan na kanin-kanina lamang ay fezlack ng mhinkie, eh naging pwetlack ni cameraman.
May I excuse me po naman si PB kay cameraman kase nga naman nakaharang siya. Biglang nag litany of the roses ang lolo cameraman. Pumwesto daw ng maayos si PB. Kung trabaho, trabao, ayusin daw ni PB ang kanyang approach sa pagtatrabaho. At first nagulantang si PB pero may I compose yourself lang. Akala kase ni cameraman na si PB ay isang phtographer ng isang traditional media outfit.
Okay na sana si PB ngunit si cameraman ay hindi pa rin tumigil sa kakasatsat. Nag explode ala Volta na si PB at sinimplehan sa pagsabi si cameraman: "This is not my job. I'm not working. I'm just taking photos of people, so don't give me an attitude."
Naloka si cameraman at kung kani-kanina ay very strong fortress (pwetress) ang kanyang pagharang sa harap ni PB, ngayon ay may-I move a little farther from the princess. Later on in life, namataan na si cameraman ay super-bait kay PB at sa mga kasamahan nito at kinuhanan sila ng kinuhanan ng shots sa video camera na parang mga bida sa isang pelikula.
Lesson learned, hindi porke't may hawak na camera at nasa isang event ang isang tao ay nagtatrabaho na siya. Kung ayaw magka-nosebleed sa pakikinig ng explanation in English, think before you put your butt in PB's face.
Sino si PB?
Clues:
1. Blogger siya.
2. May camera siya.
3. Marunong siya mag-English.
4. Ayaw mo siyang makabangga
Yun lang, babu na ang DaWho.
