Kontribusyon
DaWho itong mga blogger na akala mo'y kaytatapang eh humahantong rin naman sa secret society ever ang chika?
Ang mga blogger na ito ay may lakas ng loob, parang nakainom ng sobrang daming Red Bull, at kelangan yatang uminom ng kape para nerbyosin naman minsan. Pero malakas nga ang loob, takot naman atang mapahiya sa harap ng iba pang mga bloggers dahil nag sikretong malupet na kantahang walang humpay!
Alam daw kase nila na ang kanilang mga hidden talent ay dapat manatliling ganoon - HIDDEN!
My Gus Abelgas, eh Hidden Kho naman pala dapat, eh bakit lumabas ang sikreto? Ang mga bloggers kase na ito ay kinalampag ang buong Araneta Coliseum sa sobrang galing nila sa pag-awit.
Si Blogger 1 ay kumanta ng walang humpay na makalumang awiting pang Ultimate fans of Roderick Paulate lamang! Yung isa naman ay kumanta ng happy ending song na hindi natin alam kung may ending o happy nga ba. Yung isa ay kumanta ng awiting theme song ng mga friends nating tibambalerts-alerts at ang isa ay nagpaka-Brandon Boyd sa tuwa.
Ngunit, subalit, datapwa't, bagkus, chenes, may isang blogger na witness sa lahat ng kalokohang ito. Dapat daw ay gumawa ang The Singing Bee ng isang episode na para sa bloggers. Yung tipong, The Singing Bs. B as in bloggers! Pero itong isang witness na blogger na ito, pinagbibintangan lamang na siya ang nagpakalat ng lagim. Pero hindi siya ang bubuwit!
Sinu-sino ang mga bloggers na ito?
Clues:
1. May boys at may girls.
2. Bloggers sila.
3. Blogger 1 = ingat sa kamay nito, mabilis
4. Blogger 2 = showbiz siya
5. Blogger 3 = may aso
6. Blogger 4 = parang diyos: omnipresent at omniscient
Yun lang, Babu na ang DaWho.
Ang tamaan, pikon. Ang hindi tamaan, manhid.
