Submit Your Blind Item

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!

Saturday, November 8, 2008

Blind Item 43: User-Friendly

Kontribusyon

Da Who itong blogger na friendly. Saksakan ng friendly na kahit di naman niya friends, may friendly benefits policy na gustong ipatakbo!

Ayon sa aming bubuwit, si blogger ay dati-rati'y pinahihiram lamang ng kagamitan ng friendly neighborhood companies para maisulat ng konte.  Okay naman noong una pero nung kalaunan ay medyo may abuse of kilikili power na si blogger. Hindi na raw ibinibabalik ang mga pahiram po doctor na kagamitan.

Lumala pa ng lumala! Ang sabi eh si blogger na raw ngayon ang may lakas ng loob, sing lakas ng loob ni He-Man para kumonsulta at humingi, take note, hingi, ng kagamitan. Sasabihin niyang gagamitin ito at palalaguin sa pamamagitan ng mga koneksyon at pagsusulatan hindi lamang sa enternet kundi pati sa ibang lugar. Minsan pa raw ay nanghingi ng isang chenelyn forte para sa kanya at isa para sa isa pang tao na malapit ang loob sa kanya.

Ang hiniraman ay parang napa-concert na lang to the tune of Waiting in Vain dahil pumuputok na ang mga veins nila sa katawan ay wala pang I Shall Return by General Douglas McArthur si blogger sa kagamitan. At kung maisoli man daw eh naisulat naman ang dapat isulat... sa tubig nga lang!

Da Who itong blogger na User-Friendly?





Hindi namin alam.  Yung bubuwit eto ang clues na binigay:
1. Lalake siya.
2. Hindi siya ang inaakala niyo.
3. Lalake nga ba siya?
4. Blogger siya.

Yun lang, Babu na ang DaWho. Ang tamaan, guilty. Ang hindi tamaan, manhid! Charot!
Contributions will remain anonymous. You don't even have to reveal to us who they are! Please make sure that your blind items are the truth and nothing but the whole truth so help you 'day. Katuwaan lang po. Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Bato Bato sa langit, ang tamaan guilty.