Submit Your Blind Item

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!

Tuesday, August 26, 2008

Blind Item 40: Ganid You Do, Ganid You Don't!

Kontribusyon!

DaWho itong super-feel-na-feel na sikat na siya na blogger na may-I-no-follow sa mga required links sa isang upcoming very respectable event. Mega eventologist ang dating ng blogger na ito na ayon sa aming mga bubuwit ay mas makapal pa ang fez kesa sa mga foundation sa mga mukha nina Madam Auring at Mystica.

Ang mga cheneylyn forte ng event ay nag Dear Ate Charo (may I write you a letter) na sa blogger na ito para tanggalin ang kanyang no-follow sa links. Susme! Kung ang lahat ay kumakanta na ng "I Will Follow Him" mula sa soundtrack ng pelikulang Sister Act, eh etong blogger na eto ay umaawit ng Black Eyed Peas: "No, no, no, no! Don't follow (phunk) with my heart!"

May-I deadma your instructions, dear organizer?

Ganid are we? Ginto siguro katapat ng links kaya ayaw sundin ang abiso ng organizers ng event na ito. Kamusta naman super-feel-na-feel na sikat na blogger dense ka pa rin hanggang ngayon? Tinalo pa si Dense Modesto. Dense siya, hindi modest.






Clues:
1. Blogger siya
2. Hindi siya si Dense Modesto, pero saksakan siya sa pagka-dense.
3. Dehins maka-may-I-follow instructions
4. It's not who you think it is.



Yun lang, babu na ang DaWho!
Contributions will remain anonymous. You don't even have to reveal to us who they are! Please make sure that your blind items are the truth and nothing but the whole truth so help you 'day. Katuwaan lang po. Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Bato Bato sa langit, ang tamaan guilty.