Kontribusyon
DaWho itong blogger na magaling. Sobrang galing... matulog! Eto ang eksena:
May isang ahensya na nakipag-ugnayan kay blogger para sa isang maliit lang na proyekto. Si ahensya ay magpapahiram ng isang bagay kay blogger para masubukan at masuri ito kapalit ng pagsusulat tungkol sa produkto. Masama or mabuting puna ay hindi mahalaga, basta lang masubukan ni blogger ang gamit. Nung araw na may meeting ang dalawa upang ibigay na ni ahensiya ang produkto, ay nagkaroon ng konting... tulugan.
Si ahensya ay nagpunta ng maaga sa kanilang tagpuan upang hintayin si blogger. Makalipas ang 10 years, hindi pa dumarating si blogger. 20 years, wala pa rin. Tinawagan ni ahensya si blogger ngunit hindi ito sumasagot ng kanyang telepono. Nung umabot na ng 48 years, na-possess ata si ahensiya ng Ace of Base at napaawit ng "I Saw The Sign" kaya may-i decide na lang si ahensya na... puntahan si blogger sa bahay para ihatid ang gamit.
Bring-your-own baon pa si ahensiya ng josolubong para kay blogger. Nang makarating si ahensiya sa bahay ni blogger ay na Regal Shocker ito sapagkat ang sumalubong sa kanya ay isang kasambahay (di na sinabi sa amin kung longkatuts [katulong], major dome [mayor doma], shopatembang [kapatid], o kamag-anakan to the nth level ang welcome party). Ang isplukara ng welcome party ay: "Blogger is sleeping." Taray diba?
Magaling talaga itong blogger na ito... magaling sumunod sa appointment at mas magaling matulog.
DaWho si Review My Sleep?
Isang clue lang...
promise madali lang hulaan...
scroll down pa ng konte....
konti pa.....
last na...
ang clue: Blogger siya!
Yun lang, Babu na ang DaWho!
