Sino itong blogger na hindi gaanong kilala (eh bakit ba siya nilagay dito kung hindi siya kilala? ika nga ng "I Kell You" video, "Ano paki u!" at "Kung ganon eh huwag kayong tumawag dito.") na parang may Silver Swan sa utak.
Ayon sa aming mga impormante, ang blogger na ito ay mahilig mag blog-hop at may-i-comment sa mga blog ng piling-piling mga utashment (read: tao). Okay lang naman diba na mag-blog-hop at mag-comment? Eh ang problema sa blogger na ito ay akala niya ata ay hulog siya ng kalawakan para sa lahat ng kababaihan. Namimili din ito ng mga blogs na iniiwanan niya ng marka. At ang mga komento nito'y tila ba nagsasabing, hulog ako ng langit (buti hindi ako namatay nung nahulog ako no?) kaya magpa-anak ka sa akin. Ay, hindi pala. Kaya pwede ba tayong mag date?
Hindi lamang iisang blogger ang nagsuplong sa blogger na ito sa mga kinauukulan (ehem, ehem). May we all konek-da-dots ang mga bloggers na bubuwit dahil bawat isa sa kanila (pati na rin ang mga friendivas nila) ay na-anyayahan na nitong superkulit (sa text at sa tawag at sa comments) na blogger na makipagdate sa kanya.
Mahaba pa ang kwentong ito, pero alam naming boredom is in the house already, kaya we'll stop na.
DaWho itey?
Clues:
- Lalaki siya (malamang no?)
- Hindi siya gaanong kilala (ano paki u?)
- Malamang nakapag-comment na siya sa blog ng kaibigan ng kaibigan ng labandera ng nanay ng kapitbahay ng katulong ng call center agent na sumagot ng tawag mo nung inireklamo mo ang iyong ISP dahil mabagal ang connection ng dial-up Internet mo.
- May blog siya (naman!)
