Sino itong blogger na sobrang galing mag-commute. Magaling mag-hitchhike. No, hindi pagkokomyut sa kalsada. Magaling ito sa sakayan. Sa pakikisakay. Uhm, Blog Hitch-hiking?
Lahat ng isyu kayang sakyan nitong blogger na to. Okay lang naman yon diba? Dahil nga may sense of community chenelyn chenes naman tayong lahat? Tama. Pero marami-rami na rin ang nakapansin sa ugali nitong blogger na ito. San ka pa? May I comment on your Blog, on your Twitter, on your Plurk, on your everything! Ang masagwa dito ay lahat ng bagay (isyu man o hindi) ay kaya niyang sakyan at lahat may relate sa buhay niya.
"Ah, me too."
"I have one like that, only better."
"Imagine my shock when I fond out that my (insert item, thing, or object here) is bigger and better than yours."
Oh diba? Ang taray lang!
Sino siya?
Clues:
- blogger siya
- may Twitter
- may Plurk
- may blog
- may buhay
Yun lang, Babu na ang DaWho!
