Submit Your Blind Item

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!

Thursday, July 3, 2008

Blind Item 33: KaliweText?

At kami'y nagbalik. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik. Ipagpatuloy sana ninyo ang pagpapadala ng inyong mga DaWho!

Eto na! Pasabog!

Sino itong blogger na nahuli ng aming mga bubuwit sa akto! Sa isang kaganapan nitong mga nakaraang araw, linggo, at buwan, ay nagsaya ang mga blogger. Ngunit namataan itong blogger na ito na mukhang mas masaya kesa sa iba. Di maikubli ang kanyang mga ngiti habang nagte-text. Itong bubuwit naming ito ay maysapagka-usisera (ganyan ang dapat na bubuwit!) at may-I-view sa texting capabilities ng blogger na ito.

Maayos naman ang pagtitext. Medyo sweet nga raw. Tipong: "Oo naman. Eh kung nagkita na tayo, mamahalin mo pa rin ba ako?" O diba? Sweet nga!

Pero hindi riyan nagtatapos ang lahat. May dagdag pang: "May utang ka pa sa aking yakap at halik." O, san ka pa?

Okay yung text diba? Eh nung sinend na, namataan ng aming usiserang bubuwit na sinend ito sa isang number na hindi naman naka-register sa phone. Eh ano naman diba?

Ang siste eh, si blogger ay may partner na! Si partner ay hindi sumama kay blogger nung event na yon. Marami rin ang nakakakilala kay blogger's partner.

Da Who ang blogger na ito?

Clues:
  1. Blogger Siya
  2. Umaattend ng events
  3. May cellphone na maganda
  4. Pinagduduhan siya ng iba
  5. MayPlurk (ata)!

Yun lang, Babu na ang DaWho!

Follow us on PLURK!
Contributions will remain anonymous. You don't even have to reveal to us who they are! Please make sure that your blind items are the truth and nothing but the whole truth so help you 'day. Katuwaan lang po. Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Bato Bato sa langit, ang tamaan guilty.