Sino itong hitad na sobrang echungera (sino itong babaeng sobra kung maka-eksena) dinaig pa sa asim si Madam Auring? Ang babaeng ito ay borderline maganda, borderline mukhang lalaki. Mukhang mas makati pa sa higad ang babaeng ito dahil sa kanyang mga "moves" na akala mo ay smooth hindi naman. As in Hello, Philippines, Hello World by Toni Gonzaga! Obvious ka day no!
Si hitad kase ay namataan ilang beses na sa mga blogger events na nag-a-ala-Maria Sovietskaya Bacud. Binabakuran niya ang isang lalakeng blogger para hindi ito malapitan ng iba. Eh hello naman sa pambabakod mo nini! Yung binabakuran mo ay may jowa, at most of the time kasama niya ang kanyang jowa.
Kung makapag-arte kase itong babaitang ito eh akala mo jowa niya si boy blogger, eh miminsan pa lang naman silang nagkita. Sing-kapal ng foundation niya ang kanyang mukha. May-I pilit siya sa kanyang self dito kay boy blogger, eh wit naman siya bet.
Payong kaibigan lang 'teh, huwag masyado tayong assuming no?
DaWho itong blogger na ito?
Clues:
- Merlat siya (Girl siya)
- May blog siya
- Bihira makita sa mga blog events (kase bihira lang din ma-invite, minsan pinipilit pa ang sarili sa event)
- Maganda, pero may kahawig na lalake
- Hindi siya kilala
