Sino itong blogger na hayok na hayok sa freebies na walang ibang bukambibig kundi freebie, freebie, freebie. Ang unang tinatanong kung may event eh: "May freebie ba?" o di kaya ay, "May free food ba?" Akala ba namin ay may kinikita kayo sa pagba-blog, eh bakit parang kung maka-asta tayo eh patay-gutom? Huwag naman sana nating sirain ang reputasyon na mga blogger.
Kung gusto mo maging USER at USER-FRIENDLY eh di go lang. Huwag mo lang idadamay yung iba.
Hindi maikakaila na sa tuwing naiinvite ang mga bloggers (pati na rin ang traditional media, in case you didn't know, ang tradisyon ng pamimigay ng freebies ay unang naganap sa traditional media) sa mga media events, press cons and press launches, ay nakakatanggap tayo ng mga kung anik-anek at anetch-anetch pa mula sa mga kumpanyang nagpapa-PR.
Kung sa showbiz press ay tinatawag itong payola khomeini, or sa mga more serious press na envelopmental journalism, sa bloggers ang tawag dito ay freebies, schwag bags and loot bags. Hindi mo man kailangan magsulat ng positibo tungkol sa produkto o serbisyong binibenta ng kumpanya, mas maigi na rin yung magpakita tayo ng konting delicadeza no?
Payong kaibigan lang po, huwag naman sana natin ipagkalandakan sa buong mundo na nakakuha tayo ng isang baldeng Surf powder o di kaya ay isang bandehadong bigas mula sa nagsponsor ng event. Hindi ethics ang tawag dun, etiquette. Kung nais pa nating maimbitahan sa mga ganitong events ay huwag naman sana nating gawing negosyo ang pag-kolekta ng mga GC at freebies. Medyo nakakahiya lang.
At isa pang payo, kung kayo ay binigyan ng mga schwags o loot bags, huwag itong bubuksan sa event mismo (unless ininstruct kayo na buksan). At isa pa, kung pinadalhan ka ng invite na para sa'yo lang at hindi sinabing i-post mo ang event na ito at ipagkalandakan sa buong blogosphere, eh huwag mong ipo-post.
Etiquette lang sana.
Sino itong blogger na ito?
Clue:
1. Isa lang, blogger siya.
Yun lang, Babu na ang DaWho!
