Submit Your Blind Item

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!

Saturday, May 3, 2008

Blind Item Number 24: Blackmail Kita, Pre!

Contribution from email ulit!



Dalawang blogger, dati raw nagtulungan upang i-blackmail ang isang blogger (na ngayon ay hindi na nagba-blog - dahil busy o natraumatize sa ginawa nung dalawa).

Nagsearch sa isang gay dating website ang dalawa at natagpuan nila ang larawan ng blogger na ito, na itatago natin sa pangalang BV - Blackmail Victim. Hindi na namin inalam kung ano ang kapalit ng pananahimik ng dalawang blackmailers versus their pag-aannounce sa buong mundo sa impormasyong nakuha nila about BV.

Syempre naloka itong si BV. Kung totoo man o hindi na siya yung nasa larawan sa profile sa isang gay dating site ay hindi na natin i-co-confirm. Maaring totoo, o maaaring ginamit lang ng ibang tao ang kanyang larawan. Pero wala namang masama sa pagiging bakla. Baka closeta lang talaga ito at hindi pa komportable na ipaalam sa mundo, maging sa kanyang sarili ang kanyang tunay sa sekswalidad.

At kung bakit may accounts sa gay dating website yung dalawang blackmailers eh hindi na namin alam. Mahirap magsearch ng profiles sa isang dating site kung wala kang account dito. So kelangan mag sign up.






Clues:
  1. Si BV ay hindi na nagbablog.
  2. Yung blackmailers ay bihira na raw umattend ng events.
  3. Isa sa mga blackmailers ay nagswitch from own domain to free hosting.
  4. Yung isa ay nag switch from free-hosting to own domain.
  5. Recluse si BV.

Yun lang, babu na ang DaWho!

Follow us on twitter: http://twitter.com/dawho

or send your contributions to silasino@aol.com

Contributions will remain anonymous. You don't even have to reveal to us who they are! Please make sure that your blind items are the truth and nothing but the whole truth so help you 'day. Katuwaan lang po. Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Bato Bato sa langit, ang tamaan guilty.