Submit Your Blind Item

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!

Friday, May 2, 2008

Blind Item Number 22: Blogger at ang kanyang PRs

Itong isang blogger na ito ay okay sa PR.

Hindi yung PR na Google Page Rank. Ito yung Press Release. Kamakailan lang ay nag press release itong blogger na ito tungkol sa kanyang pribadong buhay. May mga naniwala at meron ding hindi.

Subalit sa buong katotohanan lang, hindi naman talaga totoo ang kanyang pinagsasabi. Pinakalat niya na viral-viralan. Nung komprontahin siya ng ibang blogger kung totoo nga ang kanilang nabalitaan, hindi niya inamin at hindi niya rin dineny. Parang artista lang no?

Balita lang namin ay parang mabubusog itong blogger na ito sapagkat malapit nang magkatotoo ang kanyang pinagsabi ilang linggo na ang nakakaraan at kakainin na niya ang kanyang mga words.




Clues:
  1. Bloggers siya (kase marami siyang blog kaya plural)
  2. Pumupunta sa mga events - yung invited lang siya, di tulad ng ibang gatecrashers
  3. Alam ng karamihan na may gusto siya dati sa isa pang blogger
  4. Sinusundan siya ng mahigit sa 200 na tao.


Yun lang, babu na ang DaWho!
Contributions will remain anonymous. You don't even have to reveal to us who they are! Please make sure that your blind items are the truth and nothing but the whole truth so help you 'day. Katuwaan lang po. Bato-bato sa langit, ang tamaan pangit. Bato Bato sa langit, ang tamaan guilty.